Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinasara muna ng lokal na pamahalaan ng Dipakulao Aurora ang resort kung saan nalunod ang dalawang basketball player ng Ateneo
00:07de Manila University.
00:09Ang may-ari ng resort at ang iba pang nasa training ipinatatawag din ng pulisya. Balitang hatid ni June Veneracion.
00:20Isang candle lighting vigil ang isinagawang sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University bilang pag-alala kina Rene
00:27Baterboña at Divine Adili.
00:30Naroon ang Ateneo Men's Basketball Team kasama ang head coach na si Tab Baldwin.
00:35Ito ang unang public appearance si Baldwin mula ng mangyari ang trahedya sa Dipakulao Aurora kung saan nalunod ang dalawang
00:43basketball players.
00:45Ipinasapina na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang lahat ng mga dumalo sa training.
00:51Gayun din ang may-ari ng resort kung saan ginawa ang training, ang lokal na pamahalaan at driver ng bus
00:57na sinakya ng team.
00:58Inaalam ng CIDG kung sino ang may criminal liability.
01:02The CIDG under the law has contempt powers. We were asking them nicely in the interest of justice kasi may
01:09dalawang taong namatay.
01:10We wanted it to be always to be an airtight case so that we can also give justice doon sa
01:17pamilya.
01:19Humiling na rin ang CIDG sa Department of Justice para maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga tinawag
01:26nilang Persons of Interest.
01:28Pero hindi na nila pinangalanan ang mga ito kasama rin sa iniimbestigahan ang mga hindi pinangalanang school official na kasama
01:35raw sa naghatid sa team sa Dipakulao.
01:37What we are trying to establish is the school authorities concerned have prepared for the safety and medical needs of
01:49the athletes.
01:51Ipapatawag din ang PNP CIDG bilang mga testigo, ang mga dating player ng Ateneo Men's Basketball Team na nakaranas din
01:58ang hirap sa team building at training sa probinsya ng Aurora.
02:02Nang mangyari ang trahedya noong lunes ng hapon, kabilang daw sa mga inabutan ng mga polisi investigator sa pinangyarihan ng
02:09isidente, si Coach Baldwin.
02:11Nasan po ba si Coach Tab Baldwin noong naabutan po ng mga investigator nyo?
02:17Kasama po siya sa grupo na nag-rescue.
02:21Pero hindi na raw nagawa ng mga investigador na makausap si Baldwin.
02:26Sahalip ay dalawang membro na lang ng coaching staff ang humarap sa kanila.
02:29Hiniling din ang pamilya ni Baterbonya ang paglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Coach Baldwin.
02:36Sa kopya ng sulat na ibinigay ng kanilang abogado sa GMA News, sinabing hawak ni Baldwin ang mahalagang impormasyon tungkol
02:44sa nangyaring training.
02:46Ang kanyang pananatili sa bansa ay kailangan para mapigilan ang anumang delay o pagkawala ng ebidensya.
02:53Sinabina rin si Baldwin ang Department of Labor and Employment para masuri ang kanyang employment status bilang dayuhang nagtatrabaho sa
03:00Pilipinas.
03:01Tanong ng chairman ng Philippine Sports Commission na si Patrick Gregorio sa isang pahayag.
03:05Nasan ba raw si Baldwin at bakit hindi siya nagsasalita?
03:09Ang nangyari daw ay isang national concern.
03:12Bilang respeto raw sa pamilya ng mga namatay na atleta at mga Pilipino,
03:16kailangan daw lumabas si Baldwin.
03:18Sa pahayag ng Ateneo de Manila University, sinabi nitong sila mismo ang humiling kay Baldwin na huwag munang magbigay ng
03:25mga pahayag.
03:26Ito raw ay para mahayaan munang umusad ang mga opisyal na proseso at malaman ang tunay na nangyari.
03:32Ang pananahimik daw ni Coach Baldwin ay hindi dapat ituring na wala siyang pakialam o malasakit.
03:38Inuuna lang daw ng universidad ang paghilom at due process bago ang pagtalakay ng isyo sa publiko.
03:44Pagkatapos ang masakit na nangyari, pinayuhan daw nila si Baldwin na tutukan ng emotional at psychological welfare na mga manlalaro,
03:52coach at staff na naapektuhan ang insidente.
03:55Gayun din ang kanyang sariling pagdadalamhati.
03:58Ayon sa Ateneo, re-repasuhin din daw nila ang mga umiiral na athletic protocols.
04:04Batay sa mga nakuha nilang impormasyon sa mga nasa team building,
04:08nagko-conditioning exercises ang grupo sa mababaw na bahagi ng dagat
04:13nang bigla silang hampasin ng malalaking alon.
04:16Nakaahon daw ang ibang players, pero natangay sinabaterbon niya at adili.
04:21Pagdiin ang Ateneo, walang anumang weights o pabigat na ginamit sa aktibidad.
04:26Siniguro ng universidad na nakikipagtulungan sila sa lahat ng investigasyong ginagawa ng mga otoridad.
04:32Habang umuusat ang investigasyon,
04:35nakalive din si na Baldwin at team manager na si Epo Kimpo.
04:39Nagsasagawa rin ang investigasyon ang Commission on Higher Education.
04:43Nakipagpulong sila sa Ateneo de Manila University Crisis Management Team.
04:47At dito nalaman na 24 ang student athletes na kasama sa team building at training camp.
04:54Pito ang mga coach at staff members.
04:57Sabi ng Ched, aalamin nila ang katotohanan para may mapanagot at magkaroon ng mga pagbabago para hindi na maulit ang
05:05trahedya.
05:06Bolontaryong nagtungo ang may-ari ng resort sa NBI kasama ang kanyang abogado at ilang staff.
05:12Ayon sa abogado ng resort owner,
05:14nagbook sa resort ang basketball team ng Ateneo para sa isang team building.
05:19Binubuo raw ito ng mga player at kanilang coaches.
05:22Part of the briefing and the engagement or the booking that there will be no photos or videos taken.
05:31Base na po sa kwento ng mga client athletes natin, ano yung na-observe nila before yung insidente nangyari?
05:38Anong ginagawa ng grupo po?
05:40Well, normal team building activity.
05:43I've seen some videos and they looked normal, happy.
05:49I cannot say that it's an initiation activity or a hazing activity packaged as team building.
06:00I cannot confirm or deny that.
06:03Alam daw ng basketball team ng Ateneo ang sitwasyon sa lugar.
06:07Bukod daw kasi sa reminder ng resort sa mga possible risk,
06:10hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng team building sa nasabing resort ang team ng Ateneo.
06:16As far as your client is concerned, wala kayong pagkakataon?
06:20Of course, all the necessary precautions were there.
06:25And again, let me reiterate that this is not the first time that the Ateneo men's basketball team stayed in
06:31the resort.
06:32They've been booking, I think, for the past three years na.
06:36Lifeguard?
06:38Yes, merong lifeguard. In fact, first responder yung lifeguard ng resort.
06:44Ayon sa NBI, nagpadala na sila ng task force para imbistigahang mabuti ang lahat ng mga anggulo.
06:51Kahit pa raw sinabi ng Aurora Police na wala sila nakitang indikasyon ng foul play,
06:56sabi ng NBI, kung wala mang foul play, hindi nito nasasagot ang tanong
07:01kung ang pagkamatay ni Nabaterbonya at Adili ay resulta ng kapabayaan sa pagsasagawa ng nasabing training.
07:07Sa ilalim ng Article 365 of the Revised Penal Code, ang pagkamatay dahil sa kapabayaan ay isang kriminal na bagay
07:15na walang kinalaman sa intensyong makapanakit.
07:19Ayon sa NBI, kapag ang aktibidad ay idorganisah at pinahintulutan ng paaralan para sa mga estudyante,
07:26ang mga namamahala sa nasabing aktibidad ay may responsibilidad sa pangangalaga sa mga kalahok.
07:32Kabilang daw sa mga anggulong titignan ay kung ang pangalib ng lokasyon at ang kondisyon ng dagat ay na-assess
07:40ng mabuti.
07:41June Veneracion, Nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended