00:00Minakaw ang motorsiklo ng isang estudyante sa Caloocan na ginagamit niya papasok sa paaralan.
00:08Pinagahanap ngayon ang mga nahulikam na suspect.
00:11Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:16Sa kuha ng CCTV sa barangay 167 Liano, Caloocan,
00:20makikitang nagpapabalik-balik ang apat na lalaking sakay ng tatlong motorsiklo
00:25madaling araw ng Sabado, June 6.
00:28Nakunan din sila makalipas ang limang minuto ng isa pang CCTV na may itinutulak ng motorsiklo.
00:36Ang motor, pag-aari pala ng isang second-year marine engineering student.
00:41Yung mother ko po is ginagising ng four, tas pumunta po sa kwarto.
00:46Then akala niya daw po kasi umalis ako, akala niya po lumabas daw po, bumili.
00:50Doon na buo siya na kinabahan po na lumabas po agad siya.
00:54Then tignan niya yung paligid na nawawala nga daw po yung motor.
00:57Agad daw siyang humingi ng tulong sa pulisya.
01:00Nang i-review ng Caloocan pulis ang kuha ng CCTV,
01:04natukoy ang pagkakakilanla ng isa sa mga sospek na tumangay ng motorsiklo.
01:09Sa backtracking, huli umanong nakita ang sospek sa ibang lugar sa North Caloocan noong Sabado rin.
01:15Sinampahan na ng reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 ang natukoy na sospek na ngayoy at large
01:24pa.
01:25Patuloy rin ang follow-up operation para matukoy ang pagkakakilanlaan ng tatlo nilang kasama.
01:30Kung sino man po yung kumuha, hindi po kayo yayaman yan, boss.
01:35Lumaban na lang po kayo ng patas.
01:37Surrender nyo na lang, boss, kasi kailangan ko rin kasi talaga sa pamasok sa school, boss.
01:42Wala kasi yung service.
01:44Tumutulong na rin ang barangay sa pagtugis sa sospek.
01:47Talaga pong dayo dito sa lugar namin.
01:48Marami pong lusutan po talaga ang liyano.
01:50Sana na lang po, lagi na lang nila i-double lock ang kanilang mga motor po.
01:54Hanggat maaari, lagyan po nila ng mga mas matibay na lock po.
01:59Sa may impormasyon sa kinaroroonan ng sospek, maaari raw makipag-ugnayan sa barangay 167 o sa Liano Police Substation 7.
02:08Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:13GMA News
02:13GMA News
02:13GMA News
Comments