00:004 Taiwanese ang nahuli sa isang sumadsad na yate sa Manila Bay, kagabi.
00:06Batay po yan sa impormasyon ng Bureau of Immigration na sila ay mga illegal alien.
00:11Ang mainit na balita hatid ni Bam Alegre.
00:16Sumadsad ang yate na ito sa isang bahagi ng Manila Bay, kagabi.
00:20Sakay ng rubber boat, rumisponde ang Philippine Coast Guard kasama ang Bureau of Immigration.
00:25Nang sumampa ang mga otoridad sa yate, nakumpirma nilang mga dayuhan ang sakay nito.
00:30Everything is in order naman. However, nagkaroon tayo ng intel report na may dero yung mga foreign crew na pagalaman
00:38natin na Taiwanese ito at may dero information sila.
00:43Sa inspeksyon ng Special Response Team ng Bureau of Immigration Intelligence Division, nakumpirma ang mga Taiwanese ang sakay ng yate.
00:51May mga violation din umano sila sa immigration law.
00:53They are deemed undesirable aliens sa record nila.
00:59So we coordinated with the immigration para i-enforce ang whatever immigration law na ipapataw sa kanila.
01:07Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Immigration na may mga kaso rin kaugnay sa iligal na droga sa Taiwan,
01:13ang dalawa sa mga dayuhan.
01:15Illegal entry naman daw ang kaso ng dalawang iba pa. Hindi sila pinangalanan ng immigration.
01:20Bukod sa immigration violations, nahuli rin daw ng PCG na nagtatapon ng basura ang mga Taiwanese sa Manila Bay.
01:27Immigration law ang ipapataw sa ng mga BI. Actually, mayroon din silang kaso sa amin.
01:33Nung nagpapatrol kasi tayo, nakita natin na aktual na nagtapon ng basura.
01:40Mabigat po na ito na penalty sa under ng circular ng Coast Guard. May penalty po ito na 100,000.
01:46So may kaso silang administrative sa amin. Ngayon may kaso din sila sa BI.
01:50I-sinailalim sa booking procedure sa BI headquarters sa Maynila ang apat na Taiwanese.
01:56Dadalhin sila sa facility ng BI sa Camp Bagong Diwa para sumailalim sa preliminary investigation.
02:02Walang pahayag ang mga Taiwanese dahil sa language barrier.
02:05Sa tulong ng translation app, ipinarating nila nahihintayin daw nila ang kanilang abugado.
02:10I-imbestigahan din ng mga otoridad kung paano sumadsad ang yate.
02:14Sakaling hindi rin maayon sa mga dokumento ng yate na nirentahan lang daw ng mga Taiwanese,
02:19kukumpiskahin ito.
02:21Bama Lago, nagbabalita para sa GMA News.
Comments