Skip to playerSkip to main content
Mararating na ang walong barangay sa Glan, Sarangani na na-isolate kasunod ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes.


Patuloy namang umaapela ng tulong, lalo na ng pagkain at tubig ang mga residente.


Pero habang wala pa iyan, sa bayanihan muna sila umaasa para mairaos ang pang-araw-araw na pamumuhay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:10Mga kapuso, mararating na ang 8 barangay sa Glan Salangani na na-isolate
00:15kasunod ng magnitude 7.8 na lingdol nitong lunes.
00:19Patuloy namang umaapela ng tulong, lalo na ng pagkain at tubig ang mga residente.
00:23Pero habang wala pa yan, sa bayanihan muna sila umaasa para mairaos ang pang-araw-araw na paumuhay.
00:30Mula po sa bayan ng Glan, nakatudog live si Maki Pulido.
00:37Diretso na nga ang biyahe mula General Santos City hanggang sa poblasyon ng Glan Salangani
00:43matapos nga magdamaga na kumpunihin ng DPWH ang sirang kalsada.
00:48Nito namang hapon, ang sinabi ni Mayor ay partially opened na yung na-landslide na highway na patungo sa 8
00:55nilang barangay.
01:00Nakatawid na hanggang sa poblasyon ng Glan Salangani ang limang truck ng DSWD na naghatid ng relief goods para sa
01:07mga biktima ng lindol.
01:08Pinaglamayan ng DPWH ang pagkumpuni sa biyak na kalsada.
01:12Kaya mula alas 7 ng umaga kanina, nadaraanan na ito ng lahat ng klase ng sasakyan.
01:22Pero kahit nakakapasok na ang relief goods, may mga residente pa rin humihini ng tulong sa gilid ng kalsada.
01:28Hindi naman daw kasi sila makapunta sa poblasyon dahil wala ng gas ang mga motorsiklo nila at masyadong malayo para
01:36lakarin.
01:37Aabuti naman ng 100 pesos ang balikang pamasahe.
01:40Kailangan po namin yung tubig. Yung deep well po, ang lumalabas ay puti.
01:45Ito po ay ilang araw nyo nang hawak.
01:48Ilang araw po.
01:49Yan lang po, pagsagahan na lang po ma'am. Basta mabasa na lang yung bibig namin sa tubig, okay na
01:53sa amin.
01:54Yung mga barangay captains natin nagpuntahan na. So we have started already distributing relief goods to the barangays.
02:00Sa ibang bahagi ng highway ng GLAN, inabutan naming nag-clearing operation pa lamang ng landslide na dahilan kaya't halos
02:07na isolate ang walong barangay ng GLAN.
02:10Para maabot ang walong barangay mula sa poblasyon ng GLAN, kailangang maglakad sa mabatong baybayin para malampasan ang landslide.
02:17Ang ilang mga motorsiklo, binubuhat na para maitawit.
02:21Kung low tide daw, tulad ngayon, ay malalakaran ito ng mga residente na gustong malampasan yung landslide dun sa may
02:31kalsada.
02:32Kaya pagka low tide, ay sinasamantala nila yung panahon para may tuloy yung kanilang biyahe.
02:39Nakasabay naming maglakad si Margie Morales, principal ng Leonard Young National High School sa barangay Big Margus.
02:45I have to check the schoolman kung anong sitwasyon kasi nanghingi ng detalye yung DepEd para ma-assist kung pwede
02:55pa bang pasukan ng mga bata.
02:56Itong apat na gusaling ito ay ginagamit ng halos 1,600 na high school students.
03:02Pero sa obserbasyon ng mga guro ay bahagyang lumubog yung apat na gusaling ito kaya medyo tabingi.
03:11Kaya sana raw ay magsagawa ng inspeksyon ng isang structural engineer para makita kung ligtas pa ba na gamitin ito
03:20ng mga estudyante.
03:21Sa barangay Small Margus, mahigit dalawang daang bahay ang gumuho kaya't binamaterhan karamihan sa gilid ng dagat ayon sa kapitan
03:29ng barangay.
03:30Ang ilan, mga trapal ang ginagamit na pansamantalang silungan.
03:34Kuryente dito, wala na, okay lang yun. Kahit matagal pang kuryente, yung pagkain lang tubig at sa kamadaanan namin ang
03:40mga bahay sa mga tao na tinitirahan.
03:42Walang mapagkakitaan ang maraming residente na landslide ang marami sa kanilang mga tanim sa bukid habang ang mga mangingisda hindi
03:51makalayag.
03:51Ang fuel, ma'am, hindi na makapasok dito, ma'am. Kaya ma'am, mangingisda namin, ma'am. Kailangan ng fuel,
03:57kaya sa makina, walang fuel. Kahit ngayon, ma'am, mga motor namin, stand-by na, kaya wala na nagbinta ng,
04:03wala na, hindi man makapasok.
04:05Dahil wala pang nakakarating na tulong, na itatawid daw nila ang mga hamon dahil sa bayanihan. May pananghalian ang pamilya
04:12ni Zerley dahil binigyan siya ng ulam ng kanyang kapitbahay.
04:16Bandang hapon, sinabi ni Mayor James Victor Yap na madaraanan ng isang lane ng highway, kaya masisimula na rin ang
04:23paghatid sa kanila ng tulong.
04:25Yung kapitan doon, papunta na rin dito para kumuha na rin ng relief good.
04:34Nakakarating na ang tulong, Emil, pero wala pa rin kuryente dito sa bayan ng GLAN. At ang signal naman ng
04:40telepono ay pahirapan.
04:41Isa pang problema, ang sabi ni Mayor, ay petrolyo dahil wala pa rin delivery ng gasolina at diesel. Emil?
04:49Maraming salamat, Maki Pulido.
Comments

Recommended