00:00Last night, state of calamity na ngayon ang mga bayan ng Malapatan at Glan sa Sarangani,
00:05kasunod ng magnitude 7.8 na lindol nitong lunes.
00:08Ilang kalsada roon ang hindi muna pinadaraanan dahil sa pinsalang tinamurin sa lindol.
00:14May unang balita live si Maki Pulido.
00:18Maki!
00:22Igan, dito sa General Santos City ay balik na ang kuryente.
00:26Nakita natin na marami na rin sa mga negosyo na nagsarama tapos yung malakas na lindol ay nagbukas na kahapon.
00:34Sa probinsya naman ng Sarangani ay marami sa mga residente ay nangangailangan ng maiinom na tubig, pagkain.
00:41Malaking bahagi rin ng probinsya ang wala pa rin kuryente, pati na signal ng telepono.
00:47So napakahirap marating ng bayan ng Glan sa probinsya ng Sarangani dahil sa mga sirang tulay at kalsada.
00:59Tila binali ng malakas na pagyanig ang mga poste ng gusaling ito sa malapatan sa Sarangani.
01:08Delivery truck driver ang kumuha ng video.
01:11Mabuti na lang lumabas sandali ang driver noong tumama ang magnitude 7.8 na lindol.
01:16Wala namang nasaktan dahil sarado pa ang grocery store noong mga oras na yon.
01:25Napadapa at napaiyak naman ang mga estudyante sa isang eskwelahan sa barangay Upper Suyan.
01:38Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng malapatan na ayon sa FIVOX ay naranasan ang Intensity 8 na
01:45pinakamalakas na intensity na idinulot ng lindol.
01:48Matapos ang lindol, umangat na ang bahagi ng Sapumasla Bridge nang masira ang beam nito sa ilalim.
01:55Dahil dito ay pinagbabawal na itong daanan ng mga tao at sasakyan.
01:58Dahil hindi na matawiran yung tulay, ang ginagamit na ay yung mga maliliit na bangka o itong tinatawag nilang alul.
02:06Dito sa alul na isasakay nila yung mga motorsiklo para makatawid dito sa ilog.
02:12So ang singil dito, pwede naman yung tao kaso 50 pesos per head. Kung motorsiklo ang isasakay mo, 100 pesos
02:18isa.
02:19State of calamity na rin sa bayan ng Glan, Sarangani.
02:22Isang sasakyang ito nagulungan ng malalaking tipak ng bato. Ligtas naman ang driver.
02:28Paglampas ng arko, mga naglalakihang bato mula sa gumuhong bahagi ng bundok ang kumarang sa kalsada.
02:34Kung titignan ninyo, ito o, putol na itong highway. Butas na talaga siya.
02:42Hindi na talaga yan madaraanan. Maliban dito sa landslide na natakpan yung kalsada na hindi pa nakli-clear.
02:50May mga portions na talaga nitong kalsada na butas-butas na.
02:56Ito, itong portion na ito ng kalsada, biyak na talaga.
03:01In fact, maliban sa napakalaking butas na ito kung saan naghiwalay na yung kalsada,
03:08banda rito.
03:09Kung makikita ninyo, umangat na itong portion ng kalsadang ito.
03:15Well, may butas dito, kailangan daw mag-ingat.
03:17Ito, kung titignan ninyo, umangat na itong portion ng kalsadang ito.
03:22Hindi na talaga madaraanan kahit na maklear pa yung landslide sa bahaging iyon.
03:29Ayon kay Glan Mayor Victor James Yap, sa inisyal na report,
03:33aabot sa dalawampu ang namatay sa kanilang bayan dahil sa lindol.
03:36Tatlo sa mga biktima, mag-iina ni Roldan Dante.
03:40Nang lumindol, nadaganan daw ng padera ang dalawang anak niya.
03:43Eight months at three years old, pati ang kanyang misis.
03:47Nagtratrabaho noon sa bukid si Roldan, kaya hindi na niya naabot ang buhay ang mag-iina.
03:52Ang iniisip ko, yung pamilya ko, unang nalagay sa isip ko.
03:56Hindi ako makauwi dito kaya ang daan, na ano, na...
04:05Oh, hindi ako makauwi dito ba?
04:09Tumakbo ako dito, niambak po ito sa kuwan.
04:14Tumalon pa ako, hindi ko matanggap.
04:16Tubig at pagkain ang kailangan ngayon ng mga tagaglan.
04:20Problema ang kawalan ng kuryente at signal ng cellphone.
04:23Hindi ko na sila in-evacuate kasi yung evacuation center ko nasira noong 2023.
04:28Humingi akong funding, hindi ako binigyan ng funding.
04:30So nasira ngayon, wala na akong mapaglagyan ng evacuist.
04:33Hindi pa raw nakakabangon ang kanilang bayan mula sa lindol noong 2023.
04:37Ngayon, mas mapaminsala pa ang tumama roon.
04:41Gumuho naman ang riprap sa bayan ng Maasim,
04:44kaya isang lane lang muna ang nadaraanan sa National Highway sa barangay Tinoto.
04:49Muntik ding tamaan ng bahagi ng riprap ang mga bahay sa iba ba nito.
04:53Na itala ang epicenter ng lindol, 32 kilometers mula sa Maasim.
04:58Nangangamba ngayon si Maasim Mayor Zyrex Pacquiao kung sakaling muling lumindol o umulan doon.
05:04Gusto na itong ipaabot sa Department of Works and Highways
05:07na matagaan nila as soon as possible na action, temporarily,
05:12or any ways para ma-prevent na muda ko pa ang damage.
05:17Sa ngayon, nanatili ang 60 pamilya sa evacuation center sa barangay Poblasyon.
05:22Takot pa rin silang bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa aftershocks.
05:26Patuloy ang koordinasyon ng munisipyo sa mga ahensya ng gobyerno
05:30para matulungan ang mga apektadong residente.
05:33Sa visa naman ng executive order,
05:35nagpatupad si Sarangani Gov. Rogelio Pacquiao
05:38ng province-wide emergency measures para tugunan ang epekto ng lindol.
05:48Para magamit yung kanilang calamity funds,
05:51ay nagdeklara na rin ng state of calamity
05:54ang mga bayan ng Alabel, malapatan, maging ang bayan ng GLAN.
05:59Igan?
06:00Maki, doon sa mga nireport mong isolated na lugar,
06:03ano plano ng pamahalaan para mahatiran sila ng tulong?
06:12Doon sa mga local government, at least sa mga lokal na pamahalaan,
06:16yan nga talaga yung kanilang inaapela tulong mula sa national government,
06:20lalo na halimbawa doon sa bayan ng GLAN,
06:23ay napakahirap marating dahil nga doon sa mga sirang tulay at kanilang mga kalsada.
06:28Tapos, pati delivery of goods, dahil dyan sa mga sirang tulay at kalsada na yan,
06:33syempre, ay hindi makarating.
06:35So, ngayon, ang pinakainakailangan nila ay tubig at pagkain.
06:42Malapit na nga raw maubos yung kanilang mga pagkain doon
06:45dahil nagkaroon ng panic buying.
06:47So, madaling naubos yung mga binibenta doon sa kanilang mga tendahan.
06:52So, I think yan yung sinasabi kahapon nung mga nakausap natin na barangay officials,
06:58pati na ng mayor sa bayan ng GLAN.
07:01Ang tulong na kailangan talaga nila ngayon ay tulong mula sa national government, Igan.
07:06Sa pagigot mo, Maki, dyan sa lugar kahapon,
07:09ano yung pinaka nakita mong pangangailangan ng biktima ng lindol?
07:16Ang lagi nilang sinasabi, Igan, tubig na maiinom.
07:20Number one, bago nila sabihin yung pagkain,
07:24yung tubig kasi, sabi ko, paano po kung nauuuhaw na kayo,
07:27talagang tinitipid nila dahil daw yung tubig nila sa balon
07:30ay hindi na nila mainom
07:33dahil medyo madumi yung nakukuha nilang tubig sa balon.
07:36So, yun yung pangunahing pangangailangan nila tubig na maiinom.
07:40Ngayon doon sa pagkain, kung may pambili ka, problema rin.
07:46Kasi nga, marami doon sa mga negosyo, eh, sarado.
07:49Pero primarily, ang problema rin, eh,
07:51wala kasi silang pinagkakakitaan ngayon.
07:54So, hindi silang makapunta sa bukid para magtrabaho.
07:56So, wala rin silang pambili ng makakain.
07:59Kaya yan yung pangalawa sa kanilang inaapela, Igan.
08:02Maraming salamat at mag-ingat ka, Maki Pulido.
Comments