Skip to playerSkip to main content
-Mount Dokuno, pumutok nitong weekend; 2 Singaporeans at 1 Indonesian, nasawi

- PBBM: Naapula na ang sunog sa Navotas Landfill matapos ang isang buwan

-Posibilidad ng muling pagsiklab ng sunog sa Navotas Landfill, binabantayan

-Tricycle driver, patay matapos bumangga sa nakaparadang truck

-4 na lalaki, arestado dahil sa pagnanakaw umano ng isang motorsiklo

-Senate Pres. Sotto sa umuugong na Senate Coup: I serve at the pleasure of my peers

-Harapan ng isang gasolinahan, sumabog

-2 lalaking magkaangkas sa motorsiklo, patay matapos sumalpok sa isang van sa Brgy. Pitalo

-10,000 TNVS drivers at motorcycle taxi riders, target mabigyan ng P5,000 ayuda sa special payout ng DSWD ngayong araw

-Sunog, sumiklab sa residential area sa Brgy. Coloong 1/8, sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang bus sa delivery van

-WHO: Hindi Covid ang hantavirus disease; mababa ang banta nito sa populasyon

-Mga abogado ni PGMN anchor CJ Hirro, nasa tanggapan na ng NBI kaugnay sa subpoena sa kanya

-Ilang cast member ng "The Master Cutter," nakisaya sa "All-Out Sundays" at Kapuso Brigade Grand Eyeball

-Impeachment laban kay VP Sara Duterte, inaasahang pagdedebatehan at pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara ngayong araw

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Aabot sa 10 km ang taas ng abong yan na ibinugan ng Mount Dukono sa Indonesia nitong Biernes.
00:08Nakunan sa video ang pagbaba ng isang tour guide kasunod ang dalawang dayuhang hikers kasunod ng pagputok ng bulkan.
00:16Maririnig sa video ang pag-aalala ng tour guide sa iba pang mga turista na nasa itaas ng Mount Dukono.
00:23Nagsagawa ng search and rescue operations.
00:25Nahirapan ang mga rescuer dahil sa terrain, pag-uulan at mayatmayang pagputok ng bulkan.
00:31Sa ngayon, dalawang Singaporean nationals at isang Indonesian hiker ang kumpirmadong nasawi.
00:37Labing-pitong iba pa ang maswerting nakaligtas.
00:41Ayon sa Volcanology Agency ng Indonesia, hindi bababa sa apat na pagputok ang naitala sa Mount Dukono kahapon.
00:48Nananatili ang ikatlong pinakamataas na babala sa nasabing bulkan.
00:53Ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa loob na 4 kilometers mula sa crater.
01:00Matapos ang isang buwan, tuluyan ang naapula ang sunog sa Navotas Landfill ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:06April 10 nang magsimula ang sunog na pinaglatulungang apulahin ng mga bumbero,
01:10lokal na pamahalaan at ilang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.
01:15Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta at technical assistance ng Japanese Government.
01:19Inatasan naman ng Pangulo ang iba't-aba ang ahensya na ipagpatuloy ang monitoring sa lugar,
01:25kabilang ang air at water quality testing, thermal scanning at health monitoring
01:29para sa mga residenteng na apektuhan ng usok mula sa sunog.
01:36Matapos maapula ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill na umabot ng ilang linggo,
01:42pinangunahan ng DPWH ang inspeksyon doon kasama ang ilang opisyal.
01:46May ulit on the spot si Oscar Oida. Oscar?
01:51Yes sir Connie, bagamat fire out na,
01:54todo bagtay pa rin daw ang mga ahensya ng gobyerno sa Navotas Sanitary Landfill.
01:58Ayon sa DPWH, ayaw nilang magkaroon ng part 2 ang insidente,
02:03kaya tuloy-tuloy ang pagkatambak ng lupa sa landfill
02:06para masupin ang neting gas na posibleng muling magpasikyab ng apoy.
02:10Kaugnay nito, kanina, personal na ininspeksyon,
02:15muna DPWH Secretary Vince Dizon,
02:17DNR Secretary Juan Miguel Cuña,
02:19DOTR Secretary Giovanni Banay-Lopez,
02:22Japan Ambassador Endo Kazuya,
02:24at negosyanin si Ramon Ang,
02:26ang isa sa mga taga-pribadong sektor na tungulong sa pag-apula sa apoy.
02:31Paliwanag ni Dizon,
02:33delikado pa rin ang sitwasyon dahil pag napasukan ng oxygen,
02:36maaaring inuling subikla mga apoy sa nakabaong neting gas.
02:40Maaaring tulong rin ang koordinasyon ng mga ahensya,
02:43LGU, pribadong sektor at mga ekspertong mula Japan,
02:47kaya mas mabilis na kontrol ang sunog.
02:50Tony?
02:51Marami salamat, Oscar Oida.
02:54Ito ang GMA Regional TV News.
03:00Pataya isang tricycle driver matapos bumangga sa isang truck sa Davao City.
03:04Ayon sa pulisya, galing sa barangay ming talang tricycle na may sakay na apat na pasahero
03:09nang bumangga sa likod ng truck na nooy nakaparada sa gilid ng kalsada matapos masiraan.
03:15E diniklarang dead on arrival on the spot ang tricycle driver dahil sa matinding pagkakaipit.
03:20Sugata naman ang kanyang apat na pasahero na dinala sa ospital.
03:25Nasa maayos na silang kalagayan.
03:27Nasa kustudya ng pulisya ang truck driver.
03:29Kinukuhanan pa siya ng pahayag maging ang pamilya ng nasawing tricycle driver.
03:37Sumili pang isang lalaki sa gate ng isang bahay sa San Rafael, Bulacan.
03:41Pagkatapos, nilapitan ng lalaki ang motorsiklo sa kanyang likuran.
03:45Kalaunan, dinalanan ang lalaki ang motorsiklo palabas ng bahay.
03:49Makalipas ang dalawang araw na harang ang mag-nagnakaw ng motorsiklo sa checkpoint sa Baliwag City.
03:56Kinune rin sa checkpoint ang dalawa pa niyang kasama na hinihinalang kasabuat sa pagnanakaw.
04:02Arestado naman sa San Luis, Pampanga ang ikaapat na suspect na pinagbentahan ng tinangay na motorsiklo.
04:08Na-recover ang ninakaw na motor.
04:10Wala pang pahayag ang mga naaresto na maaharap sa mga reklamong car napping at anti-fencing law.
04:18Sa gitna ng posibleng pag-akyat sa Senado ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
04:22may umuugong na kudeta umano para palitan ng Senate leadership.
04:26Pero ang ilang membro ng Senate majority naniniwalang wala itong basihan.
04:31Balitang hatid ni Bob Gonzalez.
04:36Hindi pa man umaakyat sa Senado ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte,
04:42may mga umuugong ng hakbang para pigilan umano ito pati ang umano'y pagpapalit ng liderato ng Senado.
04:48Sabi ni Senate President Tito Soto, narinig na niya ang ugong na ikukudeta umano siya.
04:54Ani Soto, magsisilbi siya hanggang suportado siya ng mga kapwa senador.
04:58Susundin niya raw ang konstitusyon at ipinapa sa Diyos ang anumang mangyayari.
05:03Kumbinsido naman ang ilan sa mayorya na walang basihan ang napapabalitang kudeta.
05:08Tingin ko, unstable ground naman si SB dahil pinapakita niya yung tamang leadership dito sa mga ganitong panahon.
05:18It's not a matter of choice or change in leadership.
05:23It's a responsibility of the Senate.
05:26Hindi mo pwedeng upuan yan ng matagal o hindi pwedeng hindi ipagpatuloy dahil nga nakasulat.
05:34Very clear sa konstitusyon natin to try forth with.
05:37Kung yung grupo na mag-i-initiate ng kudeta, halatang halata, how will they explain to the public na kaya
05:45nag-coup para hindi matuloy ang impeachment?
05:49Exactly. So that's the big question. I don't know kung saan sila kukuha ng lakas na loob na gawin nila
05:57yun.
05:57And I think siguro mas maganda na we proceed to the trial, we will go para you have a day
06:04in court.
06:05Sa ngayon, may labing limang miyembro ang mayorya na sumusuporta kay Soto habang may siyam na miyembro ng minorya.
06:12Apat na senador ang kailangan bumaliktad para mapalitan si Soto.
06:16Dagdag ni Sen. Wengachalian, malinaw na trabaho ng senado mag-trial kung may ini-impeach na opisyal.
06:22Pero kung may senador na maghahain ng mosyon para harangin ang impeachment trial...
06:27Ang importante dito ang argumento at yung dahilan. Hindi naman pwedeng may motion tapos walang dahilan.
06:33Kasi nga, very clear sa Constitution to forth with and proceed to trial. Wala naman ng ibang liway ang sinabi
06:40ang Constitution.
06:41Inaasahang pagbobotohan ng Kamara ang impeachment ng Bise.
06:45Sakaling maiakyat ito sa Senado sa Martes, ikokonvene na kaagad ang Senate Impeachment Court sa Merkulis.
06:51Nakipagpulong na rin si Soto sa mga senador para paghahandaan ang posibleng impeachment trial.
06:57Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA News.
07:01Ito ang GMA Regional TV News.
07:06Nagkaroon ng pagsabog sa harapan ng isang gasolinahan sa Sharif Agwak, Maguindanao del Sur.
07:18Nagtago sa ilalim ng mesa ang isang babaeng nasa katapat na establishmento dahil sa takot.
07:23May dalawa ring lalaking tumakbo papasok sa establishmento matapos ang pagsabog.
07:28Walang napaulat na nasaktan.
07:30Bago ang pagsabog, may dalawang lalaking nakamotorsiklo na dumaan sa pinangyarihan nito.
07:36Patuloy ang imbisigasyon ng pulisya sa insidente.
07:39Nakakurdon pa rin ang pinangyarihan ng pagsabog.
07:43Inalerto ng Sharif Agwak Police ang pulisya sa mga karating lugar para magsagawa ng checkpoint para mahuli ang nasa likod
07:50ng pagsabog.
07:53Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo matapos silang sumalpok sa isang van sa San Fernando, Cebu.
08:00Sa imbisigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motor sa sinusunda nilang sasakyan kaya sila napunta sa kabilang linya ng kalsada.
08:08Doon na nila nakasalubong ang paparating na van.
08:11Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng matinding sugat sa katawan.
08:17Sa ngayon, hinihintay pa ng mga otoridad ang desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampan ang reklamo laban sa
08:24driver ng van.
08:25Wala pa silang pahayag.
08:29Umarangkada ang special payout ng Department of Social Welfare and Development para sa TNVS driver at motorcycle taxi riders ngayong
08:37araw.
08:38Maagalang na sinimula sa tagig kanina madaling araw.
08:41Ayon sa kagawaraan, target nilang mabigyan ng 5,000 pisong ayuda ang 10,000 TNVS drivers at motorcycle taxi riders
08:48sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o IX Program.
08:53Ang transport network companies ang nagbibigay na listahan ng mga kwalifikado para sa ayuda.
08:59Ay nangan lang matiyak na nasa listahan ng driver o rider at may photocopy ng kanilang lisensya.
09:05Bukod sa tagig, may special payout din sa San Juan.
09:11Eto na ang mabibilis na balita.
09:15Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa barangay Colong 1, Valenzuela, mag-aalas 2 ng hapon kahapon.
09:22Nasa 10 pamilya ang apektado.
09:24Napula ang sunog bago mag-last 3 ng hapon.
09:27Ilang residente ang nagtamo ng mga galos sa katawan.
09:30Patuloy pang inaalam ang sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
09:36Sugatan ang walong sakay ng isang bus matapos itong sumalpok sa likod na isang delivery van sa Tagkawayan, Quezon, kagabi.
09:43Base sa embistigasyon, nawala ng preno ang bus sa pababang bahagi ng Quirino Highway kaya sumalpok ito sa delivery van.
09:50Parehong papuntang Maynila ang dalawang magkasunod na sasakyan.
09:53Naging pahirap pa naman ang pag-rescue sa driver ng bus na naipit na mga bakal.
09:58Naospital ang mga sugatan.
10:00Wala pang pahayag ang kumpanya ng bus at driver ng van.
10:03Patuloy ang embistigasyon.
10:11Nilinaw ng World Health Organization na hindi tulad ng coronavirus disease ang Hantavirus na kumalat sa isang cruise ship na
10:19naka-angkla po sa Canary Islands sa Spain.
10:22Ayon sa WHO, mababa ang banta na kumalat ang sakit sa populasyon ng Spain.
10:27Handa naman daw ang Spanish government para mapigil ang pagkalat nito.
10:32May WHO expert din na nakatalaga sa mismong barko na MV Hondius.
10:38Sa kasalukuyan, walang symptomatic na pasahero sa barko.
10:42Inirekomenda rin ng WHO na isa ilalim na sa 6 na linggong active monitoring ang mga pasahero ng barko simula
10:49ng kanilang exposure.
10:50Ayon sa ating Department of Migrant Workers, apat na Pinoy ang nag-repatriate pa Netherlands kahapon at dalawang po naman
10:59ang nakatakda ngayong araw.
11:01Doon sila isa sa ilalim sa quarantine.
11:03Ang 14 pang iba pa na crew ng barko nakatakda namang isa ilalim sa quarantine kapag nadala na ang barko
11:10sa Rotterdam, the Netherlands.
11:13Makakabalik po sa bansa ang mga Pinoy pagtapos ng 6 na linggong quarantine period.
11:22Dumating na sa tanggapan ng NBI ang mga abogado ni PCG o PGMN host si J. Hero.
11:28Kaugnayan sa Sabpina sa kanya matapos madawit sa umano'y pangingikil kay dating House Speaker Martin Romualdez
11:34na dahilan ng pag-aresto sa PGMN founder na si Franco Mabanta at apat niyang kasamahan noong nakaraang linggo.
11:41Itinuturing si Hero bilang person of interest sa kaso.
11:44Bago nito, nakalaya si Namabanta at apat na iba pa matapos magpiansa nitong Sabado.
11:49Ayon sa mga otoridad, humingi ng bayad si Namabanta sa kampo ng dating House Speaker
11:54kapalit ng hindi nila paglalabas ng video na posibleng ikasira o manoh ng mambabatas.
12:00Bilang bahagi rao ng pangingikil, may pinadalang video clip si Namabanta kay Romualdez
12:05at naroon sa video clip si Hero.
12:08Dati nang sinabi ng kampo ni Romualdez na hindi muna sila magkokomento sa kaso
12:12at hahayaang gumulong ang proseso.
12:15Sa isang pahayag kagabi, sinabi ni Hero na inusente siya.
12:23Laki-saya ang ilang cast members ng GMA Prime Series na The Master Cutter
12:28sa All Out Sundays kahapon.
12:31Tabilang dyan si na Shuvie Etrata, Anthony Constantino, Charlie Fleming,
12:37Prince Carlos at Paulo Ravales at iba pang cast.
12:40Guest host naman si Max Collins.
12:43Hinati ang cast sa dalawang teams.
12:45Game silang sumabak sa segment na Barangay Ayos.
12:48Anong arte yan?
12:49Sa huli, nagwagi ang team ni na Charlie at Prince.
12:53After makipagkulitan sa Ayos Barkada,
12:55game naman ang cast members na nakin-meet and greet sa Kapuso Brigade Grand Eyeball.
13:01Nagkaroon din ang photo opportunity ang ilang fans with the cast.
13:04Thankful ang cast sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso
13:08at hoping na suportahan ang The Master Cutter
13:11na showing na tonight sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
13:17May ilang grupo ng nagkikilos protesta sa labas ng Kamara
13:21bago pa man ang inaasahang butohaan sa plenaryo
13:23kaugnay po sa impeachment labang kay Vice President Sara Duterte.
13:27At may ulit on the spot si Tina Pangaliban Perez.
13:35Connie, mamayang hapon inaasahang pagbabotohan sa plenaryo
13:39ang Committee Report 261 ng House Committee on Justice
13:41at House Resolution No. 989
13:44na nagtatakda ng Articles of Impeachment
13:47laban kay Vice President Sara Duterte.
13:49Ihahayag ni House Committee on Justice Chair
13:51Representative Jervie Luistro
13:53ang kanyang sponsorship speech
13:56kung saan nakadetalya ang lahat na nangyari
13:59sa House Committee on Justice
14:00mula sa pagtanggap nila ng mga impeachment complaint
14:03sa pagboto nila sa sufficiency in form and substance
14:06pati na sa grounds na mga ito
14:08hanggang sa pagboto sa probable cause.
14:11Laman din ang sponsorship
14:12ang impeachable offenses at grounds
14:14para i-impeach ang Vice.
14:16Kasama rito ang umunoy culpable violation of the Constitution,
14:20bribery, graft and corruption,
14:21betrayal of public trust,
14:23at other high crimes
14:24dahil sa maling paggamit ng confidential funds
14:26ng Office of the Vice President at DepEd,
14:29umunoy unexplained wealth ng BISE,
14:32umunoy panunuhol sa ilang opisyal ng DepEd
14:34at banta laban sa Pangulo, First Lady,
14:37at dating House Speaker.
14:38Noong nakaraang linggo,
14:39binigyan na ang mga kongresista
14:41ng kopya ng committee report at ng resolusyon
14:44para mabasa nila ang mga ito bago buwoto
14:47alinsunod na rin sa desisyon ng Korte Suprema.
14:50One-third ng lahat ng 318 na kongresista
14:53o 106 ang botong kailangan
14:56para mai-endorso sa Senado
14:58ang Articles of Impeachment.
15:00Pero ngayong umaga pa lang,
15:01may mga grupo ng nagkikilos potesta
15:03sa Southgate ng Kamara
15:05na nananawagan ng accountability
15:07o pananagutan at impeachment ng BISE.
15:091.30pm naman,
15:11magdaraos ng LISA sa People's Center
15:13na dadaluhan ng mga grupong sumusuporta
15:16sa impeachment ng BISE.
15:17Pagkatapos ng LISA,
15:19magmamarcha sila papuntang session hall
15:21para imonitor doon
15:22ang mangyari rin sponsorship
15:25at butohan mamaya.
15:26Connie?
15:27Marami salamat, Tina Panganiban Perez.
Comments

Recommended